Sunday, March 8, 2009

I am ME

Di ako pumasok, masama kasi ang pakiramdam ko kagabi, balak ko sana magpa-late lang pero hindi na rin ako pumasok, pumunta na lang ako sa kanila theart tinapos ang pinapanood naming movie kanina, dumating kasi sila erpat, sumilip lang sa shop ko. Nga pala malapit na akong magopen, halong excitement at pagaalala, kikita ba o hindi? Umaasa ako kasi, gusto ko na talga mag quit sa work ko, nakakahiya na rin sa mga nagsisikap at naapektuhan sila sa pag absent ko lagi.

Eto gulat ako kaninang umaga may dumating na lalaki may dalang sako ng buhangin at semento, siya pala yung kamag-anak nila theart na karpintero. Ipapagawa kasi yung likod ng CR, pinto lang kasi yun, mahirap na, alam n computer shop to andaling buksan nun ng mga magnanakaw.

Nakakahiya na, mama niya ang nagobono sa materyales, naisip ko, di kaya luge ako dito? Pati ba naman ito ipapagawa ko pa? Dapat may bawas man lang, saka sa una pa lang dapat bago nila paupahan dapat maayos, bara-bara lang kasi ang gawa, nung nakita nga ng mga parens ko, kita ko sa mukha nila na medyo disappointed sila, pero maganda ang lugar, tabi ng kalsada, kapag tanghali nasa likod ang araw kaya hindi mainit sa harap, mahangin din, kaya kahit hindi mag aircon.

Kakatapos lang maglunch, dinalhan pa kami dito ni aling Conching ng pagkain, sinigang na bangus, pansin ko bangus lagi ulam nila, daing, inihaw, relleno, favorite? Hehe.

Bago kumain may pinanood na video sa akin si theart, as usual, mga madadramang video, kesyo may babae naaksidente tapos lumiit, tas parang nadisappoint bf umalis bigla, nagisip-isip at na realize niya na di pala dpat siya umalis, ginawa niya nagpaaksidente din, tapos lumiit din siya, kaso, pagbalik niya sa babae may iba na, tragic.

Nagbigay ako ng comment, na masyadong ng gasgas ang mga ganoong istorya, na hindi naman talaga nangyayari sa toong buhay, ayun nagalit siya. Sabi ko nagbibigay lang naman ako ng opinyon, sabi niya ung moral lesson ang gusto niyang paratingin. Haayz.

Moral lesson? na ano? Masyado niya kasing tinitignan ang kwento sa general perpective. Siguro umalis ang lalaki dahil syempre, di niya nakaya ang ganoong sitwasyon, masisisi mo ba siya? Oo kung mahal niya ang babae dapat hindi niya iniwan, tama yun, pero paano naman ang nararamdaman ng lalaki? Maaring nagkaganoon siya syempre sobrang mahal niya yung babae at hindi niya matanggap na gannon ang nagyari. At kung mahal ng babae yung lalaki bakit may bago na agad siya? Ibig sabihin nakikipagrelasyon siya para lang may karamay? Bulls***

Tapos biglang nabanggit ko ang ginawa niya noon, nag away lang kami tapos kinabukasan nakikipagkita na siya sa iba, tama ba naman un? Pag nagkakagalit kami nananahimik lang ako, ibig sabihin, kaya lang siya nakikipagrelasyon sa akin dahil para may karamay siya? Eh kung ganoon din kaya ang gawin ko? Nah, hindi naman ako ganoon kababaw na tao.

At kung mahal mo ang isang tao dapat tanggapin mo kung ano siya. Tanggap ko naman ang pagiging "Emo" kamo niya, na ayaw na ayaw ko. Pero dahil mahal ko siya tinggap ko pa din. Pero ako, gusto din niyang maging katulad niya, eh ayoko nga ng ganoon, ayokong magpacute na mukha nang bakla (gaya ng most of the "emo" people out ther), magpahaba ng buhok, init init summer n ngayon, at magscarf kahit summer? Ahaha kalokohan.

Basta ako ay ako, ginagawa ko naman ang part ko, mahal ko siya, hindi ako gumagawa ng mga bagay na alam ko ikakagalit niya, hindi ako nambababae, iniiwasan magtext o mag message sa mga kaibigan kong babae kasi alam ko magagalit siya. Pero bakit ganoon, hindi niya makita yun? Lagi na lang siya, kesyo bakit di ko siya sinusulatan, o noong valentines wala akong roses, kahit noong gabi pa lang sinabi ko na wala talaga akong kapera pera ni pamasahe nga wala nakadiskarte lang ako kaya magkasama kami noon. Hindi ko karakter na magbigay ng sulat, o mag PDA, o magpacute, magpapansin sa ibang tao. Eh hindi nga ako ganoon eh, mahirap ba intindihin? Kung mahal niya ako tanggapin nya ako gaya ng pagtanggap ko sa kanya. Everythings not always about you.

Haayz, eto karpintero lang kasama ko dito, nagwalk-out si theart, sa akin lang naman, I'll do my part pero do yours. May sarili akong pagkatao na nahubog simula pagkabata ko, wala namang masama sa akin kaya bakit ko kelangan magbago?

Un lang, haayz, kung nababasa mo lang sana to...

Thursday, March 5, 2009

Three Stars and a Sun

Just got home, while having lunch, radio is on, "Francis Magalona died this 12:00nn", Vic Sotto announces the sad news in Eat Bulaga.

Nagulat ako sa narinig ko, on ko agad ang tv, nilipat sa Eat bulaga, pansin ko ng malulungkot ang mukha ng mga hosts, nagaabang ng balita, login ako sa tpc, ayun, everyone is talking about this, so naniwala na ako na totoo nga.

Nalungkot din ako, ang totoo idol ko din siya, para siyang Jose Rizal ng bagong panahon.

"Kabataan para sa kinabukasan", tugtog ngaun sa playlist ko puro mga kanta niya. malalalim ang kanyang mga liriko, makubuluhan ang kanyang mga kanta.

Naalala ko noong elementary pa lang ako, si kuya michael may mga cassette tapes ng albums nya, araw araw pinapatugtog sa maliit naming cassette player, halos kabisaduhin na ang mga kanta. Masaya, naging bahagi ng buhay ko ang musika nya, isang tunay na makabayan.

Three Stars and a Sun na tshirt, gustong gusto ko, pero di makabili medyo mahal, saka andami n ring naglipana na mga fake, pero alam ko he won't mind, kung may mang gagaya dahil ang mahalaga ay mapalaganap ang pagmamahal sa bayan, na lahat ay maging proud maging Pilipino.

Para sa iyo idol, isang tribute, isang hapon ng iyong musika, isang hapon para sa iyong mga letra. "Bilib ako sa kulay ko, ako ay Pilipino"

REST IN PEACE

Photobucket