Tuesday, July 21, 2009

Crisis

Hirap ng walang pera, daming problema, wala naman ako problema kung sarili ko lang ang iisipin ko, problema sa pamilya, madaming utang na naipon, pati ang shop hindi mapaayos.


Ito ang pinoproblema ko, ang shop namin dito sa mabuhay wala nang customer, malakas na ang 200 sa isang araw tapos dun pa kukunin ang gastusin, sa pagkain, pamasahe at baon ng mga nagaaral. Hindi rin naman kami masyado matulungan ng kapatid ko na nasa abroad. So lahat parang sa akin at sa shop ko umaasa kaso netong mga nakaraang araw mahina rin ang kita. Ano kaya magandang gawin?

Naisip ko na ilipat na lang ang mga computer ko d2 sa mabuhay at ibenta ko ang mga lumang PC pambayad ng utang at least dito walang upa na babayaran hinde mag dodoble doble ang babayaran at baka bumalik pa ang mga dating customer namin kapag magaganda na ang mga PC. at wala pang utang, walang pressure at ang backpay ko hindi pa magagastos.

Hmm kaso di rin naman sigurado kung babalik nga ang mga customer, sa shop ko hindi naman nawawalan ng customer at least doon mas sure ang kita kaso syempre may responsibilidad din naman ako sa pamilya ko. Sila ang top priority ko. Gusto ko na rin ulet maghanap ng trabaho para makatulong na din at makaipon gusto ko kasi magkabahay malay mo ilang taon mula ngayon magkapamilya na rin ako, tama na siguro na experience ko na magkashop, masaya relaxed so kapag magkapmilya ako magnenegosyo pa rin ako ng ganito.

Minsan naiisip ko na dapat hindi na lang ako magresign kaso wala na akong mukhang maihaharap bagsak na ang stats ko at di pa maganda ang reliability tama na ring experience.

Matagal tagal na rin ung last post ko, medyo ung ibang blog ang pinagkakaabalahan ko, sinusubukan ko kumita sa adsense, paunti unit pag naipon naman un pagdating ng panahon kesa naman sa wala diba.

Hopefully i come up with the best decision, please guide me GOD.