Tuesday, September 30, 2008

Animania

Browsing the net this morning and saw some anime cosplay pics. I always want to dress like an anime pero di bagay sa akin, may nakita din akong mga pinoy cosplayers kaso di ko na sinama, ang totoo ang sagwa eh. No offense...

Here's some pics...

Photobucket

Inuyasha

Photobucket

Rei ^_^

Photobucket

Asuka

Photobucket

Kurapika

Photobucket

Tifa

Photobucket

Misa

Photobucket

Haruhi Suzumiya

Photobucket

Sakura


Photobucket

Rikku

Photobucket

Maya Natsume

Photobucket

Ichigo and Rukia

Photobucket

Edward Elric

Photobucket

Nami

Photobucket

Kakashi and Sarutobi

Photobucket

Tenten

Photobucket

Portgas D' Ace

Photobucket

MIsa

Photobucket

Dorayaki paboritong pagkain ni Doraemon

Nagpunta kami sa Asian Hospital sa Alabang kasama ko si ermats para magpaconsult sa cardiologists. Pinakita ko mga results ng mga tests na ginawa sa akin dati, sabi nya ok naman daw, pero advice nya sa akin na magpatest ng cholesterol, sugar, uric acid levels etc. Fasting, ehehe, ok naman naging lakad namin, kumain sa jollibee Metropolis tapos uwi na. Ang init, grabe, lalo na sa terminal, buti d sila namamatay dun? Kulob ung lugar, sa ilalim ng mall, puro usok ng sasakyan, yosi at carbon dioxide na binubuga ng mga tao. Di ko matagalan, buti napuno agad jeep.

Eto kakatapos ko lang magcaptcha, sideline namin ni Carlo, ehehe. So far makaka 1k na ako, $2 din un. Balak ko sana gawing raket ito. Maghihire ako ng tao online tapos babayaran ko sila. Syempre babayaran ko sila ng mas mura para may kita ako. Petiks di ba?

Pahinga na muna, medyo napagod ako sa lakad...

"Wag mong ipapakitang malungkot ka sa ibang tao kung wala kang balak mag-share ng problema. Para kang nag-alok ng hopia pero hindi mo naman ibibigay." - Doraemon

"Hu hu hu.." - Nobita ^_^

Saturday, September 27, 2008

Chisel my heart out of stone





Hindi na naman ako nakapasok...
Last Friday, i arrived 30mins early sa work. Medyo hindi na maganda ang pakiramadam ko dahil sa sobrang sipon, hirap ako huminga so i went to the clinic para humingi ng gamot. Naglogin ako ng tama sa oras, 11:00PM (Manila Time). Took my first phone call, at hirap ako habang nakikipagusap sa telepono dahil nahihirapan ako huminga, malamang sa sipon pero hindi eh, kakaiba sya, after the call ended, nagiisip ako kung babalik sa clinic or magcacalls ulet, asked my officemate, Carlo, sabi nya bumalik na lang daw ako sa clinic, so sabi ko isang call muna, went on auto-in mode, phone rang, and the same thing, hirap padin ako huminga, mukang di ko kakayanin, so after the call ended i logged out, went back to the clinic and asked the doctor kung ilang mins bago mag take effect ang gamot, 30 mins to an hour daw, OK. Nag pa BP na din ako, "uminom ka ba ng Cobra, Redbull o Extra Joss?", "Hindi po ako umiinom ng ganun kasi ampanget ng lasa", "ang taas kasi ng BP mo 160/100", kaya pala, umaatake na naman ang aking mitral regurgitation, if you would search it sa google, ang nangyayari pag may mitral regurgitaion is ung mitral valve ng puso is not functioning properly, instead of pumping the blood out from the heart, hindi lahat nailalabas imbes ay naiipon sa loob. Which causes lack of blood and fresh oxygen sa katawan kaya hirap huminga. So, may sakit ako sa puso. Doctor gave me medicine, have me rest for a while, and my BP went down to 140/100 which is mataas padin.

Last Summer pa ako nadiagnosed na may ganitong karamdaman, Doctor from LaSalle Medical Center adviced me to take medicine pero ewan ko, parang ayokong maniwalang may sakit ako, kaya hindi ko iniinom ang gamot. Minsan umaatake pero di ko pinapansin. Pinagalitan ako ng company Doctor kung bakit di ako umiinom ng gamot and i should have a regular checkup, kasi may health card naman daw kami, sayang ang binabayaran. Tama siya, this is a very serious matter, maari akong mamatay dahil dito.

So hindi muna ako naglogin, natulog na lang ako sa sleeping room, 12:30am n nun, 7:00am ginising ako ni Jonard kasi mag sasabihin siya about sa DoTA tournament sa sasalihan namin. We went back to our station, pinuntahan ko TL ko nagsorry kung bat di ako nakapagcalls, sabi nya buti ok na ako ngaun.

Di na ako naglogin, pahinga na lang daw muna ako, 8:00am umuwi na kami, derecho ako kela theart, nagbfast nanood ng DVD movie "Meet Dave" ahaha nakakatawa about sa mga aliens na ang spacehip e hugis tao, c Eddie Murphy. Tawa kami ng tawa, andun din nga pala si Gerry. After the movie uwi na ako, nagDoTA ng isang game, praktis kay terrorblade at naix na balak kong gamitin sa tournament, pero talo, quitter mga teammates ko, kaya pa sana. 6:00pm took a rest, medyo di parin maganda ang pakiramdam ko.

Ngayon di muna ko pumasok, pahinga muna, sa off I decided na magpacheckup ulet, baka di na ako sumama sa outing na plano ng team. I am taking this matter my priority this time, ayokong mawala sa mundong ibabaw ng maaga, magaasawa pa ako, at magkakaanak ehehee.

At ayokong iwanan si theart siguradong malulungkot yun...

"It's Liver lover, BOY!"
- Robin Padilla
(at least related sa pangangalaga ng internal organs ehehee...)

Friday, September 26, 2008

I feel so alone...


Ewan ko, di ka naman dadating pero hinihintay kita sa Rob...

Kakauwi ko lang, galing sa mall, winidraw ko sweldo, di ganoon kalaki dami ko kasing late at absent.

Ang lungkot, wala akong kasama, parang di na ako sanay ng magisa.
Isa na rin sa mga dahilan kung bakit ako pumunta ng mall eh para makagamit ng payphone, kelangan ko kasi matawagan ang bangko, ung online account ko kasi na disable.
Nakailang try din ako pero laging "all lines are busy..".

naglakad lakad, mula sm punta akong Robinsons, ewan ko, nakasanayan ko ng hinihintay ka dito, kahit ngayong alam kong di ka pupunta, hinihintay pa din kita, parang naiiyak ako. Hindi ako sanay ng di kita nakakasama.

Kapag sweldo kasi lagi kaming kumakain sa labas, nuod sine, pasyal pasyal lalo na pag ntyempo pang off ko. Pero ngayon, tahimik, malungkot, nagiisa ako.

Naiinggit ako sa mga nakikita kong magkasama, masaya sila, naalala ko kapag tau, lagi kitang inaasar, kinukulet, kapag tumatawa ka sa mga joke ko, at kapag naasar ka na at kinukurot mo ako.

Di bale bukas off mo na, yes makakasama na kita.

Absent ako kagabi, di ako pumasok, masama kasi pakiramdam ko. Hindi na gumaling galing ang ubot sipon ko, may sakit na ata ako, nag pacheck up na ako, xray na din, kaso di ko pa nakukuha results, bka sa off na ulet, wlang time eh. Pero sana wala akong sakit, mahirap, di lang un, ayokong mahawa si theart at pamilya ko.

Mamaya papasok nanaman ako. Ang totoo nakakatamad na, kaso wla pa akong ipon, mali ako eh, dapat noon pa nagipon ako kahit paunti unti. E di sana ngayon bka magkasama kami, natuloy sana ung business na plano namin, masaya at magkasama sana kami ngayon.

Di bale di pa naman huli ang lahat, may pagasa pa, gaya ng lagi kong sinasabi, paulet ulet na lang, magtitiis na alng ako.

"Lahat ay may ginhawa sa taong may tiyaga" Saludo - 6cyclemind

Wednesday, September 24, 2008

"I am not tired"


Be strong...

Never tell yourself,
"I'm tired"

The more you accept that thought,
the more exhausted you\ll become...

Text sa akin ni theart bago sya maubusan ng load.
Kakauwi niya lang galing sa training, gabi na, mag aalas dose na siya nakauwi.

Ang totoo nagaalala ako, pero todo suporta naman ako sa kanya.
Sabi niya nahihirapan daw siya, sabi ko ganun talaga.
Mas lalo na siguro kung ang naranasan niya eh yung katulad ng hirap na dinanas ko.

Nagtraining din ako dati, callcenter din, ISP account sa Ortigas.
Nung ung ang saya ko, proud na proud ako sa sarili ko.
Maraming naiinggit sakin, maraming nabibilib, kasi kapag "callcenter agent" ka daw,
sosyal, matalino, mayaman, magaling mag english, etc etc.

Pero tama naman sila, hindi rin basta basta makapasa o makapasok sa ganitong trabaho. Pero marami ding sumusuko sa ganitong trabaho, sa team namin lima na ata ang nagreresign, tapos may mga bago pa ngayon na anim.

Bat nga ba ako nagrereklamo? Ang laki naman ng sahod ko, sa totoo lang, pero bakit hindi ako masaya? Pag araw araw mo na kasing ginagawa, nakakasawa din, ok lang sa sakin ang trabahong mababa ang sweldo pero enjoy.

Feeling ko nasasayang lang ang buhay ko dito, wala na akong natututunan, sa technical side ah, nasasakripisyo pa ang kalusugan ko.

Di sa nagiisip ako ng negative pero, nagaalala lang ako para sa sarili ko.

Wag puro reklamo, magtrabaho, tama, tama yan ang dapat kong itanim sa utak ko.
Ang kalabaw nga, kahit umaraw, umulan, walang reklamo.
Dapat kumayod ng parang kalabaw, kaya ko to...

Change topic...

Kanina nagdota kami, 3on3 d2 sa shop.
Ahaha ansaya nung una kasi panalo kami, kaso nung 2nd game nabawian kami.
Tanga tanga ko kasi, feeder ako, malas. Lakas pa nila magasar, guro kasi nga talo nung una kaya sabik makabawi. Ahahaha...

Eto habang gumagawa ako nito, nagiinstall ako ng Special Force sa mga pc dito.
Sikat daw to eh, parang Warrock at Counter Strike, pero mas maganda daw at hindi matakaw sa bandwidth, Pag nakita ng mga customer to matutuwa ang mga un. "Kuya les, pag may SF ka d2, ratratan na yan..." Ahaha nakaktuwa sila, buti pa sila paglalaro lang ang inaatupag maghapon. Naalala ko nung bata ako, kung gusto magplaystation, wla pang online games nun eh, iniipon ko mga tira ko sa baon para sa weekends may panlaro ako. Pero ngayon ang mga bata, minsan 2 oras, may 5 oras p nga straight, dami nilang mga pera ah?

Miss ko n theart ko, huhuhu...
Di bale lapit na din off mo, aabsent na lang ako ng isang araw ahaha...
Sa linggo pyesta kela jeck, sna magpunta lahat ng tropa, tagal na naming di nagkakasama...
Bukas may pasok na naman, ok lang sweldo eh ehehe...
Pero wala ding matitira, hay buhay pambayad lang sa mga utang at tuition.
Kaya Lester dapat magsumikap ka...

"Destiny is a matter of choice, not a matter of chance" - Sir VIdar(my english teacher in highschool, he always tells us this)

Wala akong makitang picture ng kalabaw si raigor na lang, ahahaha...

Monday, September 22, 2008

Restday, then payday


Sa wakas, after a week ng nakakaboring na trabaho, restday na!
Pero kahit wala akong pasok ng 2 araw napakalungkot ko pa din.
Di na kasi tulad ng datu, pag nagtetext ako nagrereply agad sya, pag gusto ko siya makita kahit anong oras pwede. Pero ngayon may trabaho na siya.

Callcenter din,pero non voice account, currently on training siya. Mejo malayo kasi sa Laguna pa. Ibang iba na talaga, tahimik, walang makausap, walang naglalambing.

I feel alone...

May pera nga dahil payday, d naman makagala, d makanood sine, d makagala sa mall, d makakain sa labas, lahat ng dati naming ginagawa d n pwede.

Aanhin ko ang pera kung di ko naman kasama theart ko... T_T

Ganito pala nararamdaman mo theart, ganito pala, pasensya ka na...
Tiis tiis lang tayo, gaya ng sinasabi ko, lahat magiging ok din sa bandang huli.
Kelangan magsikap, magtyaga, at para sa huli may nilaga...

"Perseverance, study hard and good sleeping habits" - Tado

Sunday, September 21, 2008

Sleep, Late, Overbreak




This past few days lagi na lang akong inaantok, siguro dahil medyo nagsasawa na ako sa trabaho ko.

I work as a callcenter agent, technical support for a compute company, so everyday take calls, get yelled at by american customers, na para bang kasalanan namin ang lahat ng kapalpakan ng produkto ng client.

Pero ok lang, we get paid pretty well, sa una nakakapressure talaga pero pag nasanay ka pa easy easy ka na lang. Minsan nga nakakatulog na ako kahit may kausap sa phone, nagsasalita kahit tulog na para bang nakaprogram na ang mga sasabihin ko which is weird cguro dahil pare-pareho na din ang ginagawa namin araw araw.

This week lagi akong late at overbreak. thursday i logged in an hour late, then friday i went on overbreak ng 30mins napasarap kasi ang tulog ko, saturday an hour late tapos overbreak pa ng 1hour tapos kanina i overslept again for 3.5 hours, man!

Masyado na ata akong nasstress sa work, kahit kumpleto naman ang tulog ko sa bahay, nahihirapan ako magadjust, paiba iba kasi ng sked, at masyado nang kaunti mga agents kaya andami naming calls na sinasalo.

Tiis tiis lang, ipon ipon ng kaunti, tapos magbubusiness na lang ako. Naniniwala kasi ako na walang yumayaman sa pagiging empleyado which is tama naman diba.

Kaya mo yan lester, dont lose hope, take care of your health, be strong...

"They can because they think they can." - Virgil

Monday, September 15, 2008

"Hindi lahat ng klase bente!"




"Hindi lahat ng klase bente!, Hindi lahat ng klase bente!, Hindi lahat ng klase bente!". Paulit ulit mong maririnig sa tuwing daraan ang isang tricycle ng may laman na kung anu anong paninda.May accessories, salamin, panyo, at marami pang iba na nagkakahalaga ng bente pesos. Pero bakit Hindi lahat ng klase bente ang sigaw ng mamang nagtitinda na recorded na sa kanayang megaphone?

Eto ang kwento..

Dati ang talgang sigaw niya ay "Lahat ng klase bente!, Lahat ng klase bente, Lahat ng klase bente". Pero ng mapadaan siya sa paradahan ng tricycle tanong ng mga drayber, "Lahat ng klase bente? bilhin na namin motor mo!" Kinukutya siya ng mga drayber tuwing mapapadaan siya kaya siguro iniba na niya ang recording.

Hehehe, nung una nakakatawa pero araw araw mo maririnig eh nakakayamot na.

Hay, pero bilib din ako sa kanya, araw araw sa init ng panahon lumilibot sakay ng kanyang tricycle, na parang wala namang bumibili. Ganoon talaga, kailangang magtyaga, di katulad ko, na absent na lang lagi sa trabaho. Sakitin, tamad, walang pagsusumkap.

"The gem cannot be polished without friction, nor man perfected without trials." - Chinese Proverb