Nagpost pa naman ako, binati ka pero hindi ka pala regular? Pinaasa ka lang pala ng boss mo. Haayz, hayaan mo na, ganyan talaga ang buhay, maraming beses kang ma didisappoint. Kelangan lang harapin ang pagsubok, ibig sabihin malakas ka kaya binibigyan ka niya ng challenge. Kahit ano mangyari dito lang ako para suportahan ka, wag ka na malungkot.
Malapit-lapit na magbukas shop ko, hinihintay ko lang loan ko at papagawa ko na place. Medyo madumi pa kasi. Pintura, paayos kisama, pati mgapinto at wirings. Alam ko magiging successful to, dito ako magaling, sa pagnenegosyo.
Balak ko din magbenta ng mga pc parts, tutal adek din lang ako sa online transactions, magagamit ko yun.
Ngayon di ako pumasok, matagal tagal din akong hindi umabsent, at ngaun nabreak ko. Hehehe, badtrip na naman si boss neto. Wala eh, pag ganitong masama pakiramdam ko, mas iisipin ko kalusugan ko.
Browse ng friendster, na ngayon ko lang ulet nagawa, kanina umaga nanuod ako ng anime, "Linebarrels of Iron" kaso di tapos.
Vl din ako nang ilang araw tapos off, sana di na lang nagiba sched, haba tuloy ng araw ng pasok. Wala din naman halos pinag-iba, panget pa ng off halos nakadress up kami whole week. Haayz, nakakasawa na talaga.
Tinext ako ng mgaclasmates ko nung elementary, sabi may "get-together" daw? Ayoko sumama, puro babae malamang dun at mga bf nila. Si theart alamko di sasama yan. Baka ma-OP lang ako dun. Pero masaya pa din ako kahit papaano naalala pa din nila ako, alamkodi naman kami ganoon kaclose noon.Saka mukhang mga sosyalin na sila, kita ko pa lang sa mga pics nila sa friendster, puro mga gimik. Hindi naman ako mahilig sa ganoon. Bahala na si Batman...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment