Wednesday, June 10, 2009

3 in 1 + 1

Birthday ko ngayon it's time to party! Ilabas ang Ice Cream!

Hays another year older. 25 na ako. Thank God sa araw na ito.

Kakauwi lang nila theart. Gusto nga nya sa kanila na ako matulog pero wag na lang baka magalit pa parents nya.

Si theart ang unang bumati sa akin, naglaro sila dito sa shop hanggan ala una kasama kuya nya at si Pau. Bukas sama daw sya sa amin, magluluto daw si nanay ng sphagetti paborito ko. Nahihiya daw si theart sumama pero sya bahala kung di nya talga kaya ok lang sa akin.

Natupad ang ilan sa mga wish ko. Nangako kasi ako sa sarili ko n matutupad ko hini man lahat pero at least may natupad pa rin. Una na ang shop, medyo malakas ang kita minsan nga lang sarado kasi lagi ako umuuwi sa amin. Then wala na ako sa stressful kong work, reward na rin siguro ito sa sarili ko wala man pera pero nakakasurvive naman.

Masaya ako basta kasama ko si theart at pamilya ko sa birthday ko kahit walang pera, kahit walang handa basta kasma ko sila at masaya kaming lahat.

No comments: