Monday, October 6, 2008

Buhay Callcenter




First day sa floor medyo nerbiyoso, madalas maraming nakakatawang nangyayari. Even sa training maraming nakakatawa, nakakahiya at kung ano anong katangahan na di maisip kung bakit mo nagawa?

I am a callcenter agent for more than a year now. Marami-rami na rin akong kapalpakang nagawa, na kapag naiisip ko e natatawa ako sa sarili ko. I remember, first callcenter job ko, napilitan lang akong magaplay, may kakikila kapatid ko sa HR kaya nirefer ako, no choice ako kundi sumipot kasi mapapahiya kapatid ko. Summer nun kagagaling lang sa outing sunog na sunog pa ang balat ko. Wala nang interview interview, exam agad, pasado naman, napunta ako sa ISP account. Gabi ang training namin.

Medyo aanga anga sa siyudad, di ko alam kung saan ako papasok, aling building, paano gumamit ng elevator? Buti na lang may nakita akong mukhang mga trainees din, kaya sinundan ko sila, kinaibigan, at mga ka wave ko pa pala! Buti may tropa na ako.

Masaya ang training, dami ko natututunan, puro about computer networking and internet ang pinagaaralan namin. Masaya, every last day ng week, magiinom, gagala, sa mall, bar, etc.

Pero nagsawa din ako, after 2 months umalis na din ako, hirap kasi, sa bus na ako natutulog, pagkauwi idlip saglit tapos pasok na ulet.

Then pahinga ako ng ilang mga buwan, aplay naman ulet ako. Wala talaga akong balak na magaplay pero inaya ako ni Andy, malapit kasi, sa bacoor lang. So sumama na lang ako, kesa walang ginagawa sa bahay. Interview, kaso sa unang exam pa lang bagsak na kami, ang totoo bara bara lang ang pagsagot ko, ayun pinabalik pa kami for retake after 2 weeks. Tinatamad na akong bumalik pero si kups makulet, so balik kami, kaso ako lang ang natanggap. Lungkot ko, hindi siya nakapasa.

Ngayon isang taon na ako dito, marami din akong natutunan, makukulet ang mga kasamahan ko kaya nagkakasundo kami, lalo na ang boss namin, parang si Joey de Leon di nauubusan ng kalokohan. "Andumi oh?" Ahaha. Marami na ring nagresign, dahil sa pagod, pressure, at naterminate dahil sa pumalya sa scorecard. Pero eto pa rin kami sa awa ng Diyos. Pero ung natitira nagbabalak na ring umalis, malamang by January ubos na kami, medyo alanganin din ang status ng account, kaya iba naghahanap na ng mas magandang company at mas malaki ang sahod. Madali na siguro magaplay kasi may experience na kami sa ganitong trabaho. Npagiisipan ko din magaplay sa iba, mas malaki kasi ang sahod, pero may kalayuan nga lang. Bahala na, basta tuloy pa rin ang plano ko.

Si theart callcenter agent na rin. Nice! Medyo nahihirapan daw siya pero sa una lang naman un, sabi ko sa kanya. Alam ko namang kayang kaya niya yun, medyo mahina lang kasi ang loob nya. Kaya minsan nagaalala ako.

Eto off ko ngayon, wala rin namang magawa di makagala kasi may pasok siya. Dito lang ako sa bahay pahinga na lang.


"I am giving you two options, its either you hang up, or I'll hang up?" - Ace on a ghost call. Ahaha

No comments: