
Team Generals
Lester: Treant Protector
Jonard: Troll Warlord
Jake: Dwarven Sniper
mga katunggali(nakalimuta ko pangalang ng team, ehehe)
Warlock
Netherdrake
Lycantrophe
8:00PM kagabi sa netopia SM Bacoor naganap ang isang makasaysayang tunggalian ng mga natatange-ng mga koponan sa sa larong DoTA.
Single elimination, team Generals first game, TALO!
Badtrip d na ako nakatulog kasi may pasok pa ng 11pm muntik p kaming madisqualify kasi late ang isang teammate namin.
Haay..
First time kong sumali sa DoTA Tournament talo pa. Malas
Ganda ng lineup ng kalaban, ewan ko bakit nagsentinel pa kami. Pero maganda din naman ang character namin, may play din kami kaso mas experienced sa teamplay ang kalaban kaya talo. Wala kasi kaming praktis, first time namin maglaro ng magkakampi.
OK sana eh, lumakas din ang Lycan kaya focus fire kami sa kanya siya lagi ang target, kaso magaling magsupport ang mga kakampi, buhos lahat kay Troll skills, kaya mapatay man Lycan d din namin mapatay iba kasi sa golem ni Warlock at slow ni Viper.
Ang bilis nila magpush, buti nagbackdoor ako kung hindi hindi sana kami makakabasag ni isang tower. Nabasag ko ung first 3 towers.
Eto ang mali namin, ayon sa aking obserbasyon...
Di ko alam kung bakit ng Lothars pa si Troll, considering 3on3 madali sa kalaban makabili ng gem. Ok ung play namin, overgrowth, ff kay Lycan tapos patayin ang iba. Sayang di nabuo play, di ko nabuo Refresher Orb, saka hindi nag Black King Bar si Troll, di sana kayang kaya namin ubusin kalaban.
Isa pa masyado naming minaliit kalaban, kahit mga muka silang nerd, at sa totoo hindi sila kagalingan, kasi ambagal din nila makabuo ng gamit, at wala masyadong ginagawa Viper. Pero dinaan sa diskarte, teamwork.
Pero OK din medyo masama loob ko, pero at least kahit papaano naexperience ko sumali sa DoTA tournament. Sana tuloy ung random mode, para makalaro pa kami.
Eto kauuwi ko lang, nagaway kami ni theart, sumosobra na kasi bunganga ko kung ano ano na nasasabi ko. Sorry, pero ok na ka chat ko siya ngayon may pinapanood pa siyang video sa youtube, dragonball na kalokohan, kakatawa
Nakuha ko na din results ng medical tests, OK naman ang lahat, balik pa ako sa cardio, ano kayang mali sa akin?
May client sana ako sa Captcha Entry kaso nacancel ung project nya. Sayang. Hanap na lang ulet.
May uwi din akong SPAM galing sa katrabaho ko madami daw siyang supply galing abroad, "SPASM" daw sabi ni adi kaya pinagtatawanan namin siya. Ahahaha
Isang litrong iced tea na nauubos ko habang gumagawa ng post na to. Ihing ihi na ako kaya hanggang dito na langmuna.
"The family that prays together, stays together"
No comments:
Post a Comment