Friday, May 8, 2009

Being grown up isn't half as fun as growing up...

Malapit na naman ang birthday ko, another year older. Ayokong tumanda, gusto ko habang buhay maging bata. Ewan ko masyado kasing naging masaya ang kabataan ko. Dat lagi ko sinasabi na boring ang buhay ko, kesyo d ko naexperience ang ganito, ganoon, pero kung kinukumpara ko sa iba, mas madami akong nagawa, mas madami akong masayang nagawa nung bata ako. Nakakamiss...

Inabutan ako ni adi ng isang cup ng mushroom soup.Umuwi kasi ako dito sa bahay ngayon. Ilang araw na ring umuulan, may bagyo daw "emong" ang pangalan. Pero expect daw na sa mga susunod na araw ay ok na ang panahon, buti naman.

Hirap ng buhay ko sa shop, mainit, malamig, malamok, walang tubig, mabaho, haayz. Pero worth it naman, kumikita ang shop, dun nga ako umaasa ngpamasahe at pangkain. Medyo gipit lang ngayon kaya di ko maipon.

OK naman ang kita, 400-600 isang araw, masaya naman, si theart adik na sa grand chase, ako medyo na din nag eeppoints pa ako. Ahehehe.

May mga batang makulit, anak ng regular customer namin. Medyo naiinis si theart kasi binatukan ab naman siya? At sinabihan pa ako ng "hmp, para kang walang pinagaralan?" Ahaha akala ko pamangkin ko lang ang ganoon may mas malala pa pala.

Ipon mode, para mapalaki ko ang shops namin. Sana magtuloy tuloy lang. Goodluck

No comments: