Isang napakalaking kasinungalingan na naman ang ginawa ko. Napakabait naman nila sa akin, lahat ng pabor sa akin binibigay, pero, bat niloloko ko sila? Simula pagkabata naging ugali ko na ang magsinungaling, para iligtas ang sarili ko sa mga pagkakamaling ginawa ko, ganito ba ako kaduwag? Puro salita lang, walang gawa, ang lakas mangaral di naman ginagawa sa sarili? I am the biggest loser! I hate myself today!
Sa mga taong niloko ko, pasensya na, was ka magalala theart hindi ikaw ang tinutukoy ko, o ang pamilya mo, kundi ang sarili ko, pamilya, kaibigan, workmates at iba pang mga taong nakapaligid sa akin. Ano ba ang dapat kong gawin?
Masyado akong naging mahina, hindi ko kayang panindigan ang pinasok ko, kahit ibang tao na ang naapektuhan, walang kwenta! Walang kwenta!
Lahat ng ginagawa ko alam ko pagsisihan ko sa huli. Ngayon pa lang natatakot na ako, wala na akong mukang maiharap, di ko na kayang tignan ang sarili ko sa salamin.
Sa lahat ng mga taong niloko ko, I'm sorry, and I mean it, sorry.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment