Sunday, May 24, 2009

More money, more problem...

Last time I posted medyo naiinis ako sa sarili ko, pero ngayon ok na ako. I finally resigned sa work, it's been a week. Now, business business muna. Everything's doing well, medyo nakikilala na ang munting shop ko, marami na rin akong customer araw araw. Sana magtuloy tuloy, medyo kabado lang ako sa permit, baranggay permit lang ang meron ako. Wala naman siguro magiinspeksiyon.

Dito ako ngayon sa bahay, umuwi ako medyo namimis ko na family ko, saka may lakad sila theart may binyagang pupuntahan. Sabi ko sarado muna ang shop pero mga adek sa grand chase nagopen hahaha. OK lang pabor sa akin at least kahit wala ako kumikita.

Natutuwa ako dito sa amin, para akong wanted, madami naghahanap, mga gusto magpaayos ng computer. Pinuntahan ko ang isa sa kanila, kaso sira soundcard kailangan na ng bago, yung iba mamaya na gusto ko magpahinga eh, ehehe.

Kung araw araw pala may nagpapaayos buhay na ako. Tapos kita pa ng shop. Kaso ang shop namin dito, wala nang masyadong customer. Napaglumaan na kasi ang mga computer, kailangan na ng upgrade. Plano ko pag nakuha ko ang backpay ko dito ko lahat iinvest, di ako papayag na masapawan, kami ang nauna dito. Mumurahan ko lang ng rent, para di makahabol ang iba, at least kami walang binabayarang upa, kuryente lang at net, technician ako na din. Maghanda sila tatapusin ko ang buhay nila. Bwahahaha.

Magaan ang pakiramdam ko, wala masyadong inaalala. Peace and quiet. Masyadong stree and inabot ko sa work na pinasok ko. Pahinga muna.

So far so good sana magtuloy tuloy...

No comments: